HepaLane, tawag sa lugar kung saan ay puro nagbebenta ng ibat ibat klase ng street foods
Street foods, imposibleng hindi mo alam ito dahil pakalat kalat na ang ibat ibang uri ng street foods sa bansa.
Hindi na mawawala sa kultura nating mga Pilipino ang tinatawag na street foods gaya ng isaw, barbecue, betamax, adidas, kwek kwek, fishball, calamares, at marami pang iba. Parte na nga ito ng ating kinagisnan. Kahit na alam nating ito'y may karumihan ay kinakain padin natin ito. Sino nga bang hindi makatatangi sa amoy nito kapag nakadaan ka rito? Napakasarap kasi nito at sa murang halaga ay mabubusog ka na. Ang street foods ay makikita kahit saan. Laganap na ang pagbebenta nito kaya't marami kang makikitang ibat ibang klase nito. Sa katunayan, sa labas nga lang ng aming paaralan ay mayroong nagbebenta ng kwek kwek, balat ng manok o chicken skin na tinatawag, calamaris, pritong isaw, siomai, at ang mangga na may bagoong.
Bukod sa street children na nagkalat sa Maynila, nagkalat at bahagi na rin ng kulturang Pilipino ang pagkahilig sa street foods o pagkaing kalye. Kahit saang kanto ka ng Kamaynilaan o karatig nitong probinsya ay laganap ang masasarap na street foods. Patok na patok ‘to sa’ting mga Pinoy dahil bukod sa mura na masarap pa at kung medyo masuwerte ka, may bonus pang sakit na makukuha.
May mga bagong nadidiskubre ang iba gaya ng maruya na kung saan ay piniprito ang saging na may kasamang pancake batter. Napakamalikhain ng mga Pinoy pag dating sa pagiisip ng panibagong street foods na maibebenta.
Aminin mo, dumating ka din sa punto ng buhay mo na bahala na kung maglalakad ka pauwi basta't nakakain ka ng masarap na masarap na kwek kwek ni aling ising. Ganyang tayong mga pinoy. Ganito kalaki ang impluwensya ng kwek kwek sa atin. Minsan ay ito ang nagiging pantawid gutom natin dahil napakamura at masarap pa.
STEM2 Pangkat 3 A : Morse, John Vincent, Labastida, Jastine , Mercado, Nathaniel, Veloso, Andrea, Martin, Eunice
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento